Mahigit 150 bahay ang naabo sa sunog na sumiklab sa isang residential area Sa Barangay Commonwealth, Quezon City kaninang umaga.
Nag-umpisa umano ang sunog bago mag-alas 7 na sinasabing nagmula sa ikalawang palapag ng isang bahay.
Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at idineklarang under control pasado alas-8 ng umaga.
Batay sa ulat, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.