Pinaplantsa na ng Philippine Medical Association (PMA) ang pagsasagawa ng bakuna sa mga pribadong clinic.
Kasunod na rin ito nang pakikiisa ng PMA sa umiiral na “Bayanihan, Bakunahan 4″ bagamat mas pagtutuunan ng pansin ng grupo ang pagtuturok ng booster shot.
Sinabi sa DWIZ ni PMA President Benito Atienza na maraming duktor na ang nagpaabot ng pagnanais na makibahagi sa ika-apat na yugto nang pagbabakuna kontra COVID-19.