Sasabak ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ayon sa ama ng 16 years old na tennis star na si Mike, kabilang ang kanyang anak sa mahigit anim na raang atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na mayo.
Naisumite na nito ang kaniyang registration at pirmado na ng ama.
Ito ang unang pagkakataon na sasabak si Eala sa nasabing biennial event kung saan itinuturing na siya ang paboritong manalo at mag-uwi ng medalya.