Iginiit ni acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar na palawigin ang umiiral na social amelioration program.
Ito’y para mabigyang kaginhawaan ang mga Filipino mula sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng kaguluhan ng Russia-Ukraine.
Sinabi ni Andanar na pabor ito na mamahagi ng cash subsidy, ngunit isa din sa hamon kung saan huhugutin ang pondo para sa naturang programa.
Inulit naman ni Andanar ang naging panawagan ng Department of Finance (DOF) sa mga mambabatas na suspendihin ang fuel excise taxes sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng langis.
Samantala, nababahala naman ang DOF na pagbigyan ang panawagan na suspendihin ang fuel excise taxes dahil mauuwi lamang ito sa revenue loss at mabagal na economic recovery.
Ipinabatid naman ni Andanar na gagawa ng pinal na desisyon ang economic team ng pamahalaan hinggil sa naturang usapin.