Nababahala ang Philippine Medical Association (PMA) sa mga batang naipanganak noong 2020 hanggang 2021 na hanggang ngayon ay wala pa ring proteksyon sa iba pang virus.
Ayon kay PMA president Benito Atienza, maraming bata na nasa zero hanggang dalawang taong gulang ang hindi pa rin nababakunahan laban sa polio, tigdas, diphtheria at iba pa.
Dagdag ni Atienza, kailangan magkaroon nang tinatawag na “catch up” at nakahanda aniyang tumulong dito ang PMA at Philippine Pediatric Society.
Aniya, maaari rin buksan ang mga clinic para mabigyan ng primary immunization ang mga bata na hanggang ngayon ay ‘di pa bakunado laban sa ibang virus.
Bukod dito, puwede rin na dalhin sa mga health centers ang mga bata para mabakunahan kontra sa mga sakit.