Ipinahayag ng Malacañang na igagalang nito ang anumang maging pasya ng Commission on Elections o COMELEC kaugnay sa ipinatutupad na mga panuntunan para sa ligtas na pangangampanya ng mga kandidato para sa darating na halalan sa mayo.
Ayon kay acting Deputy Presidential Spokesman Kris Ablan, hindi sila makikialam sa mga panloob na usapin ng komisyon basta masiguradong hindi ito sasalungat sa mga resolusyon at alituntunin na inilabas ng IATF.
Nauna nang naglabas ng mga dapat sundin na guidelines ang komisyon sa mga kandidato partikular ang mahigpit na pagbabawal sa personal contact gaya ng pakikipagkamay, selfie at pagpasok ng mga kandidato sa bahay ng mga botante.
Samantala, tiniyak naman ng COMELEC na nasusunod ang social distancing at ang pagsusuot ng face mask sa mga motorcade, campaign rally at iba pang maramihang pagtitipon na may kinalaman sa pangangampanya. – sa panulat ni Mara Valle