Kasunod ng natukoy na kombinasyon ng Delta at Omicron variant ng COVID-19 sa Estados Unidos at sa Europe, nagbabala ang World Health Organization (WHO) na dapat maging maingat ang pilipinas sa posibleng panibagong surge.
Ihinayag ni acting WHO Representative to the Philippines, Dr. Rajendra Yadav na wala pang masyadong detalye kung mas delikado at mas nakakahawa ang Deltacron variant.
Samantala, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na natuto na tang mga Pilipino sa mga nagdaang surge.
Dagdag pa ni Cabotaje, mas pinaigting na rin ang bilang ng target na bilang ng mababakunahan sa 90 million mula sa 70 million noong nakaraang taon. – sa panulat ni Mara Valle