Para sa mga mahilig kumain ng gulay-gulay.
Alam niyo ba na ang saluyot ang isa sa pinaka-masustansyang gulay sa mundo.
Pwede ito sa may diabetes, sakit sa puso at mataas ang cholesterol dahil siksik ito sa bitamina at minerals.
Pero ano pa nga ba ang ibang vitamins na taglay ng saluyot?
- Mayroon itong Vitamin K na nakatutulong upang labanan ang pagdurugo.
- Vitamin A at Beta-Carotene para sa mata, balat o skin growth, pagre-repair o pagsasa-ayos ng selula sa ating katawan tulad ng pag-galing ng sugat.
- Vitamin B6 o Pyridoxine para makaiwas sa sakit sa mata dahil sa pag-edad
- Vitamin C o Ascorbic Acid para sa ating immune system at balat
- Calcium na kailangan para mapatibay ang buto, ipin at gilagid.
- Vitamin E para lumakas ang immunity, magkaroon ng malusog na buhok at mata.
- At Iron ay kailangan para sa malusog na red blood cells.
Iluto lamang ang saluyot bilang sahog sa dinengdeng, inabraw, paksiw, ginisang labong, sa sopas at bulanglang. —sa panulat ni Abby Malanday