Aabot sa 50 bata mayroong cancer ang kinuha ng gobyerno ng Spain na pawang naipit sa nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon Twitter ng Espanya, kasama ng mga bata ang kanilang pamiya para maipagpatuloy ng mga ito ang kanilang pagpapagamot sa mga pampublikong ospital na nakatuon sa mga cancer patients.
Anila, nagawa nila ito sa pakikipagtulungan ng Spanish Federation of Parents of Children with Cancer at Spanish Society for Pediatric Hematology and Oncology.
Sa ngayon, umaasa silang mas marami pang batang may cancer ang kanilang madadala sa kanilang bansa sa mga susunod na araw. – sa panulat ni Abie Alio-Angeles