Aabot sa 309 Filipinos ang inasistehan ng gobyerno ng Pilipinas sa Ukraine kasunod ng patuloy na pag-atake doon ng Russia.
Sa social media post ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, sinabi nito na papalo sa 150 pinoy ang napauwi nila noong Marso a-11, habang 159 ang nailikas palabas ng Ukraine.
Inaasahan naman na 23 Pilipino ang darating sa araw ng Biyernes ng susunod na linggo.
Sa ilalim ng crisis alert level 4, inoobliga ang mga kababayan natin na lisanin na ang Ukraine kasabay ng pagbibigay kasiguruhan na sasagutin ng pamahalaan ang lahat ng kanilang gastusin o repatriation expenses.