Nananawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag gamitin ang kanilang hanay sa pamulitika o anumang agenda na may kinalaman sa pulitika.
Ito ay matapos lumabas ang umano’y maling balita na hindi patas ang pagtrato ng AFP sa ilang kandidato.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang AFP ay non-partisan at tanging mandato lamang nila ay protektahan ang estado at publiko ngayong panahon ng eleksyon.
Anila, huwag basta maniniwala sa mga balitang kumakalat lalo na sa social media.
Kaugnay nito, nagpaalala si Zagala sa kanilang mga tauhan na huwag makikisali at makikilahok sa mga aktibidad na may kinalaman sa pulitika bago, habang at pagkatapos ng halalan.—-sa panulat ni Abie Alño-Angeles