Binomba ng Russian forces ang isang mosque sa South-Eastern Ukrainian Port City ng mariupol na pinagtataguan ng mga mamamayan doon.
Batay sa tweet ng Ukraine Foreign Ministry, mahigit walumpung katao kasama ang mga bata at mga mamamayan ng turkey ang nagtatago sa simbahan.
Hindi pa matukoy kung ilan ang nasawi sa shelling.
Ang Mariupol ang pinaka-ginigiyera ngayon ng Russia kung saan mahigit isang linggo na itong binobomba.
Sa ngayon, itinuturing nang kritikal ang sitwasyon sa Mariupol kung saan nasa 1,582 sibilyan ang nasawi. —sa panulat ni Abby Malanday