‘It’s so addictive!’
Ganito inilarawan ng host na si Iya Villania ang pagkakaroon ng kaniyang baby.
Ayon kay Iya, akala kasi nila ng asawang si Drew Arellano ay okay na sila sa tatlong baby lalo na’t baby girl ang kanilang bunso na si Alana.
Pero hindi na rin daw nagulat si Drew nang inanunsyo niya ang kanyang pabubuntis sa kanilang #babynumberfour.
Paliwanag pa niya, hinahanap-hanap kasi nila ni Drew ang energy, pagmamahal, kasiyahan na dala ng pagkakaroon ng babies.
Matatandaang Enero ngayong taon nang ginulat ni Iya ang lahat nang ianunsyo niya sa kanilang Youtube channel ang kaniyang muling pagbubuntis. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles