Nagwagi ang Golden State Warriors matapos talunin ang Milwaukee Bucks sa NBA sa iskor na 122-109.
Naging tabla ang iskor ng dalawang koponan sa 1st quarter pero nagawang umabante ng Warriors sa 2nd at 3rd quarter dahilan ng kanilang panalo.
Nanguna sa Warriors sina Klay Thompson na nagpakawala ng 38 points 6 rebounds na may 6 assists at Jordan Poole na nakapagtala naman ng 30 points 6 rebounds at 5 assists.
samantala, wagi din sa nba ang utah jazz matapos tambakan ng 9 na puntos ang Sacramento Kings sa iskor na 134-125.
Lumamang ang Kings sa unang quarter pero nabawi ng Jazz ang bola sa 2nd at 3rd quarter dahilan ng kanilang panalo.
Nanguna sa panalo ng koponan sina Jordan Clarkson matapos makapagtala ng 45 puntos habang nakaambag din ng 26 points si Bojan Bogdanovic at Donovan Mitchell na may 25 points. —sa panulat ni Angelica Doctolero