Mahigpit na minomonitor ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang bulkang taal sa batangas at bulkang kanlaon sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.
Sa datos ng PHIVOLCS, nasa Alert level 2 ngayon ang Bulkang Taal matapos makapagtala ng 25 pagyanig at magbuga ng 15,306 tonelada ng sulfur dioxide na may taas na aabot sa 1800 meters mula sa main crater nito.
Samantala, inilagay din sa Alert level 1 ang Bulkang Kanlaon matapos namang makapagtala ng 7 pagyanig at magbuga ng 138 tonelada ng sulfur dioxide na may taas na aabot sa 100 meters mula sa main crater nito.
Dahil dito, ipinagbabawal ang pagpasok sa naturang mga bulkan lalo na main crater nito at pagpasok sa 4 na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ).
Hindi din pinapayagan ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng mga bulkan dahil sa posibleng biglaang pagputok ng stream o phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall o pagbuga ng nakalalasong gas. —sa panulat ni Angelica Doctolero