Naglagay na ng help desk ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA gayundin ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa mga paliparan.
Ito’y para alalayan ang mga balikbayan o maging ang mga papaalis na OFW sa bansa sakaling mabiktima ng tanim-laglag bala sa NAIA.
Ayon kay POEA Adminsitrator Hans Cacdac, magbibigay din sila ng shelter o pansamantalang tutuluyan ng mga mabibiktimang OFW gayundin sa pamilya nito.
Kabilang sa mga ibibigay na assistance ng mga nasabing help desk ay ang on-the-spot advise para sa mga mabibitkimang OFW para madaling makipag-ugnayan sa kanilang pamilya, recruitment agency maging sa kanilang abogado.
Sinabi pa ni Cacdac na kanila ring aabisuhan ang employer ng mga mabibiktimang OFW sa ibayong dagat upang ipabatid ang pagkakaantala sa kanilang biyahe.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco