Dahil sa sunod-sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo at ilang mga pangunahing bilihin, nagrereklamo na ang ilang manggagawa dahil sa liit ng kanilang kinikita.
Ayon kay Jeff Caguiao, kahit pa above minimum ang kaniyang kinikita ay hindi parin ito sumasapat sa kanilang pang araw-araw na gastusin.
Mas humirap kasi ang kanilang sitwasyon dahil sa dagdag presyo ng langis at posibleng pagtaas ng pamasahe sa pampublikong sasakyan.
Dahil dito, nanawagan si Caguiao na sana ay magkaroon ang bawat manggagawa ng daily allowance o libreng pasahe sa kanilang trabaho. – sa panulat ni Angelica Doctolero