Ikinokonsidera na rin ng mga truck drivers at delivery riders ang paglahok sa tigil-pasada dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Gaganapin ang tigil-pasada bukas sa Metro Manila kung saan inaasahang maraming commuters ang maaapektuhan.
Ayon kay Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), kabilang sa posibleng lumahok ang mga drivers na parte ng National Public Transport Coalition.
Ang coalition na ito ang binubuo ng tatlumpung asosasyon kabilang ang trucks, delivery trikes at motorcycle taxis.—sa panulat ni Abby Malanday