Handa na para sa 70th Miss World finals coronation night si 2021 Miss World Tracy Perez.
Ito ay matapos maantala mula nang magsimula noong nakaraang taon, ang pandemiya sa buong mundo.
Gaganapin ang beauty pageant sa Puerto Rico kung saan, magkakaroon si Perez ng “meet and greet” sa mga kapwa niya kandidata.
Sa Social Media post ng model/industrial engineer, ipinakita nito ang negative result ng kanyang Anti-gen test gayundin ang bonding moments sa mga makakatunggali na mula pa sa iba’t ibang bansa.
Plano ding ibahagi ni Tracy ang kaniyang ‘’pasarela walk’’ sa Miss World stage at iapela sa mga kababayang pinoy na maibigay sa bansa ang pangalawang korona.
Nabatid na 30 oras ang iginugol ni Tracy sa eroplano bago nakarating sa Puerto Rico at sa darating na Huwebes, March 17, ang coronation ng Miss World 2021. —sa panulat ni Angelica Doctolero