Hindi na papayagang maka-access ng Instagram Social Networking Service ang Russia matapos akusahan ng Moscow Government na pinapayagan ng Meta Company ang panawagan kaugnay sa karahasan na ginagawa ng Russian Military Forces.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pag-block ng Moscow sa Facebook at Twitter noong unang bahagi ng Marso para kontrolin ang impormasyon sa nagaganap na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nabatid na ang Instagram app ay hindi umano maire-refresh o magagamit nang walang VPN.
Ang Facebook at Instagram ay malawakang ginagamit sa Russia, na pinakasikat na Social Media platform sa mga kabataang Russian. —sa panulat ni Angelica Doctolero