Pagbibigyan ng COMELEC ang mga kandidatong hindi nagkumpirmang dadalo pero sisipot sa mismong araw ng debate.
Nilinaw ni COMELEC Spokespman, Dir. James Jimenez na hindi naman itataboy ang mga kandidato sakaling magpakita ang mga ito sa araw ng debate at venue sa Sofitel, sa Pasay City sa March 19 at 20.
Ayon kay Jimenez, bibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na masilip ang venue na isang mahalagang hakbang dahil kailangan nilang malaman kung ano ang mga pwede at hindi pwedeng gawin at sino lamang ang kanilang maaaring isama.
Kung ayaw naman anya ng mga ganitong oportunidad ay walang problema sa COMELEC at sakaling pumunta ang mg kandidato sa mismong araw ng debate kahit walang pasabi ay pagbibigyan pa rin naman ang mga ito.
Aminado ang COMELEC official na handa silang maghintay sa magiging pasya ng mga kandidato at hindi naman requirement ang written confirmation upang makalahok sa debate pero sa oras na dumalo ay indikasyon ito na handa ang sinumang sumunod sa rules ng nasabing aktibidad.
Una nang inihayag ni presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. na hindi ito dadalo sa debate sa sabado maging ang vice presidential running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa linggo.