COVID-19 free na ang pitong bayan sa lalawigan ng Tarlac.
Batay sa pinakahuling datos ng Tarlac Provincial Health Office, wala nang aktibong kaso ng sakit sa bayan ng Anao, San Jose, Moncada, Pura, San Clemente, Ramos, at San Manuel.
Nakapagtala naman ng pinakamaraming active cases ang bayan ng Victoria na may anim, sinundan ng Capas at Concepcion na kapwa may limang active cases, at Tarlac City na may apat.
Nitong Lunes ay nakapagtala ang lalawigan ng 26 na gumaling sa sakit at wala namang nasawi.
Sa kabuuan, nasa 23,592 ang COVID-19 cases sa Tarlac, na may 22,703 recoveries at 854 COVID-19 related deaths.