Hindi pa napag-uusapan ng pamahalaan kung magtataas din ng pamasahe sa Metro Rail Transit line 3 o MRT-3 kasabay ng taas-presyo sa langis.
Ayon kay MRT-3 director for operations engineer Mike Capati, mas pinagtutuunan nila ang pagtulong sa mga commuters upang hindi makadagdag sa hirap na nararanasan ng mga ito.
Ngayong araw, ilang kumpanya na ng langis ang muli pang nagtaas ng presyo na malayo sa inaasahan ng pamahalaan.—sa panulat ni Abby Malanday