Tumaas ng 30% ang bilang ng mga pasaherong sumasakay sa MRT-3 kasabay ng pagbaba ng Metro Manila sa Alert level 1 at taas-presyo sa langis.
Ayon kay MRT-3 director for operations engineer Mike Capati, naitala kahapon ang pinakamataas na bilang ng pasahero na nasa 248,000.
Mas mataas ito kumpara sa naitala noong Pebrero.
Naglalaro lang dapat sa 180,000-190,000 ang karaniwang bilang ng pasahero ng MRT-3.
Samantala, kahit dumami ang bilang ng pasahero ay tiniyak ni Capati na nasusunod pa rin ang ipinatutupad na health protocols sa mga tren.—sa panulat ni Abby Malanday