Nadakip ang isang babaeng may 11 oustanding warrant of arrest at tumangay umano ng P50-M sa mga naging biktima sa investment scam gamit ang diagnostic laboratory.
Kinilala ang suspek na si Riza Marasigan.
Ayon kay CIDG-Batangas Provincial Officer P/LT.Col. Benedict Poblete, ine-engganyo ng suspek kahit na hindi na ito parte ng nasabing laboratoryo na mag-invest ang mga biktima, kabilang na ang mga doktor at nurse.
Nawalan aniya ng mahigit P1-M ang dating kasosyo ng suspek na si Cherry Macaraig habang P3.5-M ang natangay sa seaman na si Santos Ibon, family friend ng suspek. —sa panulat ni Airiam Sancho