Lusot na sa House Committee on Energy ang Substitute Bill na nagsusulong ang Republic Act 8479 o Oil Deregulation Law.
Sa online meeting ng Kumite, mabilis na ipinasa ang substitute bill ‘subject to form and style’.
Alinsunod sa bill, inatasan ang lahat ng oil refiners, importers at bulk distributors na panatilihin ang Minimum Inventory Requirement (MIR) sa kada kumpanya, depot at produkto.
Kabilang sa MIR ang pagtiyak sa sapat na suplay ang diesel, gasoline, kerosene, household LPG, auto-LPG, fuel oil at aviation fuel.
Obligado naman ang mga refiner, importer at distributor na magkaroon ng 30 araw na supply at ang presyo ng mga finished petroleum products ay iba-base sa imbentaryo ng crude oil.
Layunin ng panukala na hindi maisama ng oil companies sa taas-presyo ang mga produktong petrolyo na nabili sa murang halaga o tinatawag na unbundling.