Inihayag ni Socio-Economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na nananatiling “on track” o positibo ang bansa upang maabot ang target na 7% hanggang 9% na paglago ng ekonomiya para sa taong 2022 sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis.
Aniya, ang Gross Domestic Product (GDP) o ang kabuuang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo sa bansa ay lumago ng 5.6% noong 2021 na bahagyang lumampas sa target ng gobyerno na 5.5%.
Sinabi pa ni Chua na tinitingnan din ng mga economic manager ang higit pang pagpapagaan ng mga mobility restrictions sa alert level 0 upang mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa sektor ng transportasyon.
Naniniwala naman si Chua na pansamantala lamang ang krisis o tensyong nangayayari sa mundo. —sa panulat ni Airiam Sancho