Inirekomenda ng Department of Finance (DOF) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng 200 pisong monthly subsidy para sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng isang taon, upang maibsan ang epekto ng patuloy na oil price increase.
Sa Talk to the People, sinabi ni DOF Secretary Carlos Dominguez, III, na hindi sapat ang nasabing halaga, ngunit ito aniya sa ngayon ang kayang ibigay ng gobyerno.
Maliban dito, inirekomenda din ni Dominguez na panatilihin ang Excise Tax sa langis sa kabila ng mga panawagan na suspindihin ito.