Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Lubang, Occidental Mindoro nitong alas-8:09 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim itong 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Natunton ang pagyanig sa may 70 degrees kanluran ng Lubang.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang naganap na pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.4 lindol na tumama sa nasabing lugar noong Lunes.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershock na dulot ng nasabing pagyanig.