Balik na sa normal ang walk-in transactions ng lahat ng Philippine Embassies at Consulates sa iba’t ibang panig ng mundo, simula Marso a–21.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay alinsunod sa utos ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin , Jr.
Indikasyon ito na bumalik na sa pre-pandemic level ang operasyon ng lahat ng embahada at konsulada.
Inilarga ang nasabing hakbang kasabay ng pagsisimula ng DFA na mag-accommodate ng passport walk-in applicants sa courtesy lane sa lahat ng consular office sa bansa.