Wala nang pagkakataon pang makabawi si 8-Division World Champion Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Junior.
Ito ay matapos tuluyang tuldukan ni Mayweather ang posibleng rematch sa pagitan nila ni Pacquiao.
Giit ni Mayweather, wala nang dahilan pa para labanan niya ang Pambansang Kamao na hindi man lamang umubra sa kanya noong “May 2 bout” nila na tinaguriang Fight of the Century.
Naniniwala si Mayweather na pinapalutang lamang ng kampo ni Pacquiao ang posibleng rematch nila upang gamitin ang pangalan nito at magpataas ng rate sa laban.
Matatandaang nitong Setyembre nang tuluyang magretiro si Mayweather matapos ang matagumpay na laban kontra kay Andre Berto kung saan kanyang napanatili ang malinis na 49 wins – zero loss record.
By Ralph Obina