Inanunsiyo ng Malacañang na mga mahihirap na sektor lamang ang bibigyan ng gobyerno ng ayuda dahil sa epekto ng mataas na presyo ng langis at hindi kasama dito ang middle class.
Ayon kay acting presidential spokesman Secretary Martin Andanar, ito ang sagot ng sa panawagan ng middle income earners na isama din sila sa ayudang ibibigay ng gobyerno dahil ramdam din nila ang mataas na presyo ng langis.
Bagamat ipinahayag din ni Andanar na hindi lahat ay mabibigyan dahil hindi kayang pondohan ng gobyerno ang lahat ng sektor na nais magkaroon din ng ayuda.
Naiintindihan aniya nito ang hinaing din ng middle class na nakakaramdam din ng epekto ng taas presyo sa langis pero dapat unawain ang higit na nangangailangan.
Samantala, kabilang sa mga ayudang ibibigay ng gobyerno sa mga apektado ng mataas na presyo ng langis ay fuel subsidy para sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan, fertilizer subsidy naman para sektor ng agrikultura at dagdag na P200 cash subsidy sa may labing dalawang milyon na mahihirap na pamilya sa loob ng isang taon. – sa panulat ni Mara Valle