Hinahanap ng National Economic Development Authority o NEDA ang request mula sa pamahalaang panglunsod ng Tacloban sa Leyte.
Ito’y para sa pagkukumpuni ng nasirang water system ng lungsod na nagkakahalaga ng P2 milyong piso.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, nakapagpalabas na ang gobyerno ng may P334 na milyong piso na ipinadaan sa Local Water Utilies Administration o LWUA batay sa Comprehensive Rehabilitation Plan.
Una nang iginiit ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na hindi pa inaaprubahan ng gobyerno ang kanilang request kaya’t wala pa ring maayos na water system ang kanilang lungsod, 2 taon makaraang manalasa ang super bagyong Yolanda.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)