Nagwagi sa NBA ang Boston Celtics matapos padapain ang Golden State Warriors sa iskor na 110-88
Tinambakan ng Celtics ang Warriors sa 1st, 2nd, at 4th quarter dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Nanguna sa koponan si Jaylen Brown na kumadada ng 26 points, 7 rebounds at 3 assists at Jayson Tatum na may 26 points, 12 rebounds at 4 assists.
Nakaambag sa Celtics si Marcus Smart na nakapagtala ng 20 points 4 rebounds at 8 assists habang nasayang naman ang 29 points, 2 rebounds at 3 assists ni Jordan Poole ng warriors.
Abangan naman sa sabado ang susunod na laro ng Celtics kung saan, kanilang makakalaban ang Sacramento Kings alas-10 ng umaga, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero