Nabisto ng mga otoridad sa loob ng facemask ng naarestong chinese ang kakaiba o bagong brand ng “shabu pills” sa Makati.
Ayon sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU), sakaling magamit ang naturang iligal na droga ay maaaring gising nang isang linggo ang isang user nito.
Umabot sa 56 na piraso ng “shabu pills” ang nakuha sa suspek kung saan, ang iba ay nakaipit sa facemask.
Nabatid na ang bawat isang “shabu pills” ay nagkakahalaga umano ng P2, 500 hanggang P5, 000 habang nakumpiska din sa dayuhang suspek ang baril.
Hawak na ngayon ng mga otoridad ang dayuhan na nahaharap sa kauulang kaso. —sa panulat ni Angelica Doctolero