Asahan na rin ang pagsipa ng presyo ng bigas sa susunod na linggo kasunod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Paliwanag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), anim na porsyento ng kanilang production cost ang napupunta sa krudo dahil sa paggamit ng traktora at patubig sa kanilang pananim.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, maliit ang ayuda ng gobyerno para matulungan ang lahat ng magsasaka at mangingisda sa Pilipinas, na aniya’y nasa 10 milyon.
Iginiit ni So na mainam na suspindihin ng tatlong buwan ang Excise Tax sa langis at VAT.
Kahapon nang simulang ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang 3,000 pesos na fuel subsidy para sa mga magsasaka ng mais at mangingisda sa Tacloban, Leyte.