Arestado ang pitong (7) menor de edad matapos makumpiskahan ng pinatuyong dahon ng Cannabis na nagkakahalaga ng P14-K sa cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina Ninonel Lubuguin, 24-anyos; Jhon Kevin Samonte, 20-anyos; Ryan Sarmiento, 20-anyos; John Patrick Gonzales, 22-anyos; Micko Timpoc, 21-anyos; Jun Carlo Nablo, 22-anyos at si Mico Sustal, 21-anyos.
Ayon sa mga otoridad, agad silang nagkasa ng operasyon matapos makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga akusado sa bahagi ng Halayhay Road Brgy. Halayhay, Bayan ng Tanza, sa nabanggit na lugar.
Nasamsam ang 100 gramo na pinatuyong dahon ng Marijuana na nakalagay sa tubular pipe, labing 7 pa gramo ng Marijuana, isang cellphone at ilang drug paraphernalias.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero