Nagsagawa ng demolisyon ang Bureau of Corrections sa maximum security compound ng New Bilibid Prison.
Pinangunahan ni BUCOR Director General Gerald Bantag ang operasyon sa quadrant 2.
Ayon kay BUCOR spokesperson Gabriel Chaclag, bahagi ito ng demolisyon sa mga kubol sa loob ng bilibid na nagsimula noon pang taong 2019.
Nasa 500 kubol ang giniba ng mga personnel ng BUCOR.
Ito na ang huling quadrant na kanilang lilinisin upang matiyak na ligtas ang paligid ng national penitentiary at mapalawak ang kapasidad nito.
Una nang nasagawa ng clearing operations ang BOC sa quadrant 3 ng maximum security compound. – sa panulat ni Abby Malanday