Umabot na sa 5.M pasahero ang nag-avail ng free ride program ng Quezon City.
Ito ay ang Q City Bus na nagsimula noong Disyembre 2021 para tumugon sa pangangailangan sa pampublikong transportasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, tulong rin ito upang makatipid sa gastos ang mga qcitizens.
Patuloy naman ang operasyon ng nasabing programa sa kabila ng nagpapatuloy na taas-presyo sa langis. – sa panulat ni Abby Malanday