Aprubado na ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘full-capacity’ sa mga campaign venues sa mga lugar na nasa alert level 1.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia ang regulasyon sa pangangampanya ay binago para makasunod din sa lumuluwag na restrictions sa pandemya na ipinatutupad ng pamahalaan.
Maaari na rin umanong magsagawa ng aktibidad ang mga kandidato kahit na walang sertipikasyon mula sa ahensiya.
Bagamat nilinaw ni Garcia na kailangan pa rin na kumuha ang campaign team ng permit at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan na nakakasakop ng lugar. —sa panulat ni Mara Valle