Posibleng magpatupad ang Department of Agriculture (DA) ng Suggested Retail Price (SRP) sa karne ng manok sa mga pamilihan.
Ito ay matapos tumaas ng halos P10 kada kilo ang itinaas ng karne ng manok at baboy sa ilang palengke kasunod na rin ng serye ng oil price hike.
Ayon kay DA spokesperson and Assistant Secretary Noel Reyes, kasalukuyan na nila itong pinag-aaralan para hindi na maapektuhan ng lubos ang konsyumer.
Nagpaalala rin si Reyes sa mga nagtitinda huwag masyadong taasan ang patong sa kanilang mga paninda. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles