Pagtutuunan ng pansin ng mayorya ng presidential candidates ang pagpapalago ng agrikultura at negosyo, upang mapasigla muli ang ekonomiya ng Pilipinas na pinadapa ng covid-19 pandemic.
Sa ginanap na Pili-Pinas Debates kahapon, tinanong ang mga kandidato kung ano ang kanilang unang pagtutuunan sa oras na manalo upang mabuhay ang ekonomiya ng bansa.
Parehong sumagot ng agrikultura sina; Ernesto Abella, Labor Leader Leody De Guzman at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Habang pagpapabuti naman ng trabaho at negosyo ang unang pagtutuunan ng pansin nina; Norberto Gonzales, Senator Panfilo “Ping” Lacson at Vice President Leni Robredo.
Para naman kay Jose Montemayor Jr. ay mas mabuting bigyang-prayoridad ang monetary at fiscal policies.
Samantala, ang pagpapalago naman ng Gross Domestic Product ang pagtutuunan ng pansin ni Senator Manny Pacquiao sakaling manalong pangulo.
Wala namang ibinigay si Faisal Mangondato pero kailangan aniyang palaguin muli ang ekonomiya. —sa panulat ni Abby Malanday