KUSANG-LOOB na sumuko sa tropa ng militar ang 39 miyembro ng iba’t ibang lokal na teroristang grupo sa Maguindanao.
Dala ang kanilang mga armas, kasama sa mga nagsisuko ang 21 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF-Bungos Faction, 12 mula sa BIFF-Karialan Faction at anim naman mula sa Dawlah Islamiya-Turaife Group.
Ayon kay AFP-Public Affairs chief Col. Jorry Baclor, nagtungo ang mga terorista sa tanggapan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat para sumurender.
Sari-saring mga armas ang isinuko ng mga dating rebelde na kinabibilangan ng M16 rifles, M1 Garand rifles, M14 rifles, M653 rifles, sniper rifles, ilang granada, at marami pang iba.