Handang humarap bilang testigo ang aktres at modelong si Isabelle Daza kaugnay sa kasong grave slander na isinampa ng stylist na si Liz Uy laban sa fashion police blogger na si Michael Sy Lim.
Sinabi ni Isabel, narinig niya ang mga naging komento ni Michael nang makasama niya ang blogger sa isang hapunan sa The Peninsula Manila Hotel noong October 28.
Kasama rin ng actress model ang executive editor ng Preview Magazine na si Isha Andaya – Valles nang tila nagbibigay ng mga malisyosong komento si Michael sa aniya’y recycled outfit na ipinasuot umano ni Liz kay Maine Mendoza o Yaya Dub para sa pictorial nito sa Preview Magazine.
Agad namang ipinaalam ni Isabelle kay Liz ang kanyang narinig sa pamamagitan ng text message.
Ang isinampang 6 counts of online libel with grave slander ni Liz Uy laban sa blogger na si Michael Lim ay bunsod ng mga pahayag at online post ng blogger kaugnay ng mga damit na suot ni Maine Mendoza sa kanyang pictorial sa preview at sa tamang panahon concert ng Eat Bulaga.
By Krista de Dios