Ang pagkain ng labis ay nagdudulot ng masamang epekto sa ating katawan.
Ayon sa mga eksperto, ito ay dahil hindi natutunaw ng maayos ang pagkain.
Kapag labis anila ang pagkain ng marami ay dumodoble ang trabaho ng ating atay, pancreas, bato at puso na maaaring maging dahilan ng pagtaas ng blood sugar at maging sanhi ng pagtaba at iba pang karamdaman.
Payo ng mga ekperto, limitahan lamang ang pagkain ng kanin pero damihan ang pagkonsumo ng gulay at prutas.
Sa ganitong paraan ay dahan-dahan ang pagpasok ng nutrisyon at mas maginhawa ito sa mga organ ng katawan. – sa panulat ni Airiam Sancho