Pinadapa ang ilang mga bahay sa Nueva Vizcaya kung saan aabot sa 119 na indibidwal ang apektado ng malakas na buhawi.
Sa pahayag ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Emergency Response Team, 2 barangay ang tinangay ng ipo-ipo kung saan, kaagad na lumikas ang 15 pamilya mula sa brgy. Sto. Domingo at 10 pamilya naman mula sa Brgy. Macate.
Ayon sa mga otoridad, wala namang naiulat na binawian ng buhay o nasaktan habanginaalam pa ang halaga ng nawasak na ari-arian.
Tiniyak naman ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na hindi nila pababayaan ang mga naapektuhang pamilya.
Sa ngayon, nabigyan na ng food packs at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan ang mga sinalanta ng buhawi. — sa panulat ni Angelica Doctolero