7 sa 9 na kandidato sa pagkabise presidente ang kumasa sa “Pili-Pinas debates 2022: the Turning Point”, na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) kagabi Marso a-20 na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza sa Roxas Blvd, Pasay City.
Sa mga vice presidential bets, dalawa ang hindi dumalo kabilang na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos hindi magkumpirma ng kanyang pagdalo at si House Deputy Speaker at Buhay Representative Lito Atienza na hindi rin dumalo dahil sa kaniyang medical condition.
Sa kanilang unang debate sinagot ng mga vice presidential candidate kung ano pa ang makabuluhang kapangyarihan o responsibilidad na kanilang nais ibahagi sa bansa bilang bise-pangulo.
Unang sumagot dito si Manny SD Lopez na kandidato ng labor party philippines kung saan, kaniyang ipinangako na aalalayan at susuportahan ang mga desisyon ng magiging pangulo.
Sinabi naman ng physician na si Willie Ong na mahalaga ang tandem ng pangulo at bise pangulo kung saan, kaniyang pagtutuunang pansin ang health sector at pandemic response habang nakapokus naman ang pangulo sa iba pang problema ng bansa.
Bagamat sinang-ayunan ni Carlos Serapio, former Congressman Walden Bello, Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pahayag ni Doc. Ong, naniniwala parin siya na sapat na ang saligang batas kung papaano gagamitin ng isang bise-presidente ang kaniyang posisyon at kapangyarihan upang matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.
Sa naging pahayag naman ni Senate President Vicente Sotto III, gagawin niyang preciding officer sa senado ang vice president at hindi para gawing “spare tire” upang magkaroon ng partisipasyon sa konseho.
Matatandaang noong mahalal si Sotto bilang vice-mayor ng Quezon City, tanging mga City Vice-Mayor lamang ang presiding officer sa mga City Council.
Sa huli, sinabi ni Rizalito David na layunin niyang mabago ang porma ng gobyerno at makontrol ang paggasta o paglalabas ng bansa ng bilyung-bilyong pisong halaga ng pera. — sa panulat ni Angelica Doctolero