Fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang 19,175 o 92.18% ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda, nasa 6.64% ang naghihintay na lamang kanilang second dose habang 6,215 o 4.81% ang hindi pa nabakunahan.
Sinabi pa ni Solda na nakikipag-ugnayan na ang BJMP sa mga local government unit upang maisama ang mga PDL’s sa alokasyon ng mga bakuna.