Aabot sa 55 drug suspek ang naaresto ng Philippine National Police – Drug Enfrocement Group (PDEG) sa 47 law enforcement operations na kanilang ikinasa.
Ito’y sa nakalipas na isang linggong pagsasagawa ng mga operasyon mula Marso a-14 hanggang Marso a-20 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay PDEG Director, P/BGen. Randy Peralta, mula sa 47 operasyon ay 10 rito ang buy-bust, 35 ang pagsisilbi ng warrants of arrests at 2 marijuana eradication sa buong bansa.
Nagresulta ito sa pagkakasabat ng may 298.79 gramo ng shabu, 112,000 piraso ng mga puno ng marijuana, 15,000 piraso ng mga kush o high grade marijuana, 927 gramo ng mga pinatuyong marijuana at 1,700 mga tangkay ng marijuana.
Pinapurihan naman ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang tagumpay na ito ng PDEG at nangakong paiigtingin pa ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga sa ilalim ng oplan double barrel finale 2022.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)