Hindi ikinatuwa ng netizens ang ginawang paglilinaw ni Carla Abellana kaugnay sa ibinebenta nitong condo unit sa The Grove at Rockwell.
May post si Carla kung saan sinabi nitong, “Ayan, ha, tinagalog ko na para maintindihan po”.
Kinlaro dito ng aktres na binawasan daw niya ng P2M ang original price ng property na na-acquire niya noong 2015 at never pa niyang natirhan.
Binash si Carla dahil ano raw ba ang tingin nito sa netizens, hindi marunong mag-ingles at napaka-condescending daw dahil hindi rason ang pagiging broken-hearted niya para maging entitled itong magmataas.
Dagdag pa ng ibang netizens, mabuti pa raw ang presyo ng condo ay nakukuha niyang mag-react, pero ang isyu sa kanila ng asawang si Tom Rodriguez ay dedma lang. – sa panulat ni Mara Valle